IWASAN ANG ONLINE CASINO

Oo ito na yung sign mo.

Hi everyone! Been an avid follower of this group since nabaon ako sa utang nung Q4 of 2024 dahil sa online casino na yan. Nasira ang buhay ko pati partner ko. I’m already 28 pero ang liit ng ipon ko, and meron ako monthly bills like rent, utilities, and groceries. Hindi rin ganon kalakihan ang sweldo.

Wont make the kwento long, pero kung nag oonline casino ka at tingin mo makakabawi ka dyan, itigil mo na yan. Mananalo ka minsan yes pero pag ang mindset mo is need mo bawiin yung talo, lalo ka malulubog.

Also, kung sa gcash ka naglalaro ng online casino, delete mo na lang yung app!!! Gumamit ka na lang ng seabank or other digital apps for online payment transaction.

So since nung jan 1 sobrang nagtipid ako to the point na for needs lang ang nilalabas ko. Nag try din ako mag pay ng installments sa OB ko para maiwasan ang iterest, which is a big help talaga!!

As of today, ito na lang ang utang ko. So happy for my 3 month progress, and hopefully makaipon na ko savings by H2 of 2025.

CC1 100k to 60k CC2 50k to 20k CC3 50k to 15k Parents 100k to 75k

Total 300k to 170k

Kaya natin to guys!!