Advice on dating a single dad

Problem/Goal: Hindi ba advisable na magpaligaw sa 30 yr old single dad? Egul ba?

Context: Gusto manligaw sakin yung barista sa cafe ng pinsan ko. Im 25 yrs old and he's 30 yrs old with 2 kids. We met nung nag part time ako don for 2 months. He was kind, caring, and gentleman sa akin during that time pero i did not give any meaning kasi parang kuya turing ko sa kanya. After 3 months, we met again sa party sa cafe. Kinabukasan nun, nagstart na sya mag message.

Recently, lang sya umalis sa bahay ng wife and kids nya. He told me na matagal nya na plano yun since di na talaga sila okay ng asawa nya at yun yung best way na naiisip nya at advice ng mga taong nakapaligid sa kanya. Co parenting sila.

On process ang annullment since tinutulungan sya nung asawa ng pinsan ko na attorney. He's doing great sa job nya kaya ganon nalang tiwala ng pinsan ko at pagtulong sa kanya.

2 months na kami nag kakausap, kwentuhan. Pero lumalandi na sya habang tumatagal at nagpapakita na ng efforts. Type ko sya, okay ako sa kanya, kinilig ako sa efforts nya, and I want to let him court me. Pero iniisip ko na baka comfort lang nya ko and all at may asawa pa rin sya kahit na sabihing sa papel lang yan. Baka nabubulag lang ako. Titigilan ko na sana kung wala naman magandang mangyayari. I need advice para magising.