naiinis ako kapag nanghihingi ng update si bf
Problem/Goal: My boyfriend always asks me kung anong ginagawa ko. Parang every 5 minutes ata siya nagtatanong, and nakakainis na. Ang babaw ko ba? If yes, pa-enlighten naman ako para magets ko kung bakit kailangan nya ng mga ganong klaseng update.
Context: Gusto ni bf ng detailed update LAGI. He didnt directly asked me to do so pero parang ganon na rin yon kasi kapag nagupdate ako sa kanya, laging may unnecessary follow up questions.
For example, nagsabi ako sa kanya na magaasikaso ako ng sarili ko. So ayon, magaasikaso ako and kapag tapos na, dun ko palang siya icchat. Ang problem ko is kapag nagchat na ko, tinatanong nya kung ano ano mga ginawa ko. Nakakainis kasi dati naman nasasagot ko yon, and now na 2 years na kami, dapat alam nya na mga ginagawa ko kapag nagsabi ako na magaasikaso ako. Also, for me, di naman nya kailangan malaman lahat ng ginawa ko nung time na yon. Ano bang purpose non kapag nalaman nya? Wala lang? Para kasi sakin, basta alam nyang nagasikaso ako nung time na yon, okay na. No need for more detailed explanation.
Another example is ngayong gabi lang. I told him na tapos na ako magasikaso and nakahiga na ako. Tapos ang tanong sakin, ano daw gagawin ko next? Natrigger ulit ako kasi ano bang next na ginagawa kapag nakahiga na? Cellphone lang naman? Like alam nya na yung sagot pero itatanong pa rin.
Minsan kapag sinagot ko na “magccp”, itatanong pa kung anong gagawin sa cp. Eh pano kung sinabi ko tiktok, pero after 10 seconds, lumipat ako sa fb? Edi di nya pa rin alam ginagawa ko. Kaya lagi ako naiinis kapag ganto tanong nya kasi ang walang kwenta ng tanong. Walang purpose.
Semi rant lang din to haha but still need your advices. Am i really too shallow? Pahelp naman na hindi mainis sa mga ganong bagay haha. Nakakasawa rin kasi sumagot ng pang tanga na tanong.