magiging bff’s pa rin kaya? (wlw)
Problem/Goal: Laging nasa isip ko lately yung about sa future, confused if gusto ko ba magka anak or hindi. And yung problem is jowa ko ay bestfriend ko rin na babae na may possibility ma affect pagkakaibigan na na-built na namin before pa na maging kami.
Context: My jowa and I were bestfriends before pa maging kami until nagkadevelopan kami ng feelings sa isa’t isa. Maganda naman relationship namin ngayon, may 6 months na. Sobrang bait niya and all, wala akong masabi na masama sa partner ko. Pero kasi lagi kong iniisip lagi na what if gusto ko pala magka anak in the future pero late kong mapagtatanto? pano kami? pero ayaw ko naman siyang mawala sa buhay ko. Do you think magiging ayos pa rin ba relationship namin kahit wala na?
Previous Attempts: Wala pa kaming serious talk about our future.