Nagpakawasak ulit ako ngayong gabi
Hi, Renz. Nagpakawasak ulit ako ngayong gabi. Nagbabaka sakali na kung puro alak ang katawan ko, baka di ko na maramdaman haplos mo. Pero bawat pikit ko, ikaw pa rin. Ramdam ko pa rin bawat yakap mo sa pagtulog ko. Iniisip mo rin ba ako? Naaalala mo pa kaya ako? Kung tatawag ako, sasagutin mo ba?