im absolutely tired and drained because of my mom friend. its like i have this responsibility na hindi naman dapat sa akin.

I understand pregnancy & motherhood is tiring and exhausting, ayoko naman invalidate yung struggles niya and etc.

But lately it’s getting out of hand. Sometimes I help to take care of her baby or clean the house, lalo nung after hospital niya.

Dumaan 6 months and she’s being extra irritating. Gusto niya kasi sa Taiwan mag 1st bday anak niya, pero wala siyang budget, so gusto niya gamitin creditcard ko, sabi ko i can lend you 20k, any other than that I will not. Oo I have savings pero baat ko papa utang sa kanya buong taiwan trip or ipapa swipe credit card ko?

Hindi ko kasi gets, Hindi mo afford then mag handa na lang kayo sa bahay? keysa mangutang ka?

And when she has money problems, gusto agad isend as soon as possible sa kanya, frequently na nangyayari.

Oo medyo kasalanan ko din kasi Oo lang ako ng Oo, enabler din ako. Nung una kasi iniisip ko baka postpartum, need ng help financially or what.

Pero nagulat ako she keeps on buying unnecessary na mahal na gamit for her and her child, then na kwento niya swipe lang ng swipe daw siya sa credit card, max na daw. gusto niya kasi “mag yabang na maganda gamit anak niya”

I plan on going ghost mode. 👻