Kasama ko kakain mamaya yung jowa ng situationship ko
So meron akong situationship ng 5 months. Classmates kami at araw-araw kami mag kasama, mag ka usap. Halos sa bahay ko na siya naka tira, umuuwi lang siya para kumuha ng gamit niya. Umamin na din kami sa each other na gusto namin ang isa’t-isa.
Tapos over the weekend, sabi ko kain kami sa Filipino restaurant this week (nasa ibang bansa kami ngayon). Umokay naman siya, excited pa nga eh. Tapos kahapon, bigla siyang nag text na kung pwede daw sumama yung jowa niya kasi bigla daw dumating galing sa province at kung pwede daw bang sumama siya sa dinner. Gulat na gulat ako na may jowa pala siya 🙃🙃 pero ako naman si t@ng@ pumayag at nag pa dagdag ng isa pa sa reservation namin hahaha gulong gulo na yung utak ko, di ko na alam ano ba dapat maramdaman ko 🤡🤡🤡