Surrounded By Silent Wealth All Along....

So stuck kami sa traffic kagabi ng isang ka member ko ng isang sports group. Syempre, ang daming napag usapan. Napunta ang usapan sa mga professions ng mga ka members namin. Dun nya ni reveal sakin na malalaking tao pala sila!!

As in mga presidente at bise presidente ng mga malalaking companies dito at abroad. Kung di man yun, mga doktor o lawyer o galing sa mga prominenteng pamilya... old money kumbaga... like Ferraris and Rolls Royces level old money bhie!!

Ako naman syempre shookt sa narinig ko kasi yung mga biro ako sa kanila, galawang kanto humor hahahahah jusko presidente at bise presidente pala ng bangko mga ginagago ko hahahhahuhuhu.

Aside dun, naisip ko din na never kong naramdaman na sooobrang layo pala ng mga estado namin sa buhay. Never kong naramdaman na maliit ako kumbaga. Tinarato nila akong ka level nila. May respeto. Hindi ko naman sinasabing lahat ng may silent wealth ganyan ha. Pero etong mga nakasalamuha ko ng ilang taon na, magaang silang kasama. I knew they were wealthy pero di ko inexpect na they were THAT wealthy.

A part of me parang nag ka confidence din kasi feeling ko walang pwedeng mang maliit sakin. Eto ngang si X-generation chinese old money at daughter ng CEO ka chikahan ko lang sa gigilid eh, so walang karapan kung sino man below their tax bracket to act arrogant to anyone.

Kaya moving forward, pag may nakita akong nag aangas at nagyayabang ng yaman nila, iisipin ko di talagang mayaman yan hahahahaha.