Nagulat ako sa bf ko dahil hindi ko ineexpect yung maririnig ko sakanya.

24F, and my Bf is 32. Currently LDR kami.

Bago pa lang ako sa work at nagiipon ako pambili ng branded na headphone or headset na tatagal. Pinadalhan niya ako ng airpods kasi napansin niya na wala akong ginagamit lalo na pag may meeting ako sa work at magkacall kami.

Nagbook ako ng mc taxi papuntang office, habang suot ang airpods. Nung nasa office na ako napansin ko na isa na lang to. Hinanap ko siya kung saan saan. Dahil 1st gift siya ni bf, nalungkot talaga ako kasi naging pabaya ako. Kinakabahan ako una na sabihin sa bf ko kasi baka magalit. Dahil di ko na nga mahanap, tinawagan ko na siya. Nagulat ako kasi kalmado lang siya. Sabi niya, "okay lang yan babe, palitan na lang natin," " mahalaga safe ka nakarating," "wag mo na hanapin, malelate kana," "huwag kana ma-stress, wala na magagawa," "diba bawal ka mastress."

Nakakatuwa lang kasi consistent siyang kalmado kahit sa mga away namin. Alam niya paano ihandle yung situation. Lagi pa rjn ako nagugulat sa reaction niya na ineexpect kong mayayare ako hahaha.