Naiyak ako sa sinabi ng Mama ko
So my mom is an OFW sa Dubai and every year umuuwi talaga siya dito sa Pilipinas to stay for 1 month (every December) kasi gusto niya kahit malayo siya kasama namin siya tuwing Christmas. Kanina while having dinner, sinabi ko mamimiss ko luto niya and for sure papayat na naman ako kasi babalik na siya this Friday.
Tapos sinabi ng mama ko na mabilis lang naman daw yung panahon tsaka para samin din daw naman ‘to. Ayaw niya lang daw maulit iyong nangyari samin nung pandemic. Tapos napaisip ako, anong bang nangyari during pandemic?? Kasi kahit one time hindi ako nakaranas ng gutom dahil every day nagluluto naman ng masasarap na pagkain iyong Mama ko na parang normal na araw lang.
Sinabi niya na sobrang hirap daw para sakanya nung time na iyon kasi hindi niya alam san siya hahanap ng pera kasi at that time natanggal siya sa trabaho niya. Naaawa daw siya samin kasi paulit-ulit nalang iyong kinakain namin during pandemic pero kahit minsan hindi ko naisip iyon. Ganoon kasecured iyong naramdaman ko during that time na i don’t think nagutom ako ni minsan tapos maririnig ko sa mama ko na sobrang hirap pala para sakanya non.
Kaya ngayon nandito ako sa kwarto umiiyak kasi sobrang mamimiss ko Mama ko. OA man pakinggan pero naisip ko talaga na mag absent nalang the whole week sa klase at magstay nalang sa bahay para makasama ko pa siya ng mas matagal. Ayon lang guys skl HAHAHA.