Friday the 13th.

Grabe disappointment ko today. Nagexchange gifts kami sa christmas party kanina, pero yung nakabunot sakin, hindi bumili ng panregalo at yung isa naman naiwan daw sa bahay yung pang gift. Dalawa kasi dapat yung matatanggap.

Yung panggift ko, niready ko na matagal pa kasi a month before pa nagbunutan at may wishlist naman. Yung isa ko pang gift, binili ko kagabi kahit sobrang haba ng pila sa counter. Tapos, ako pala walang matatanggap today sa kabila ng mga efforts ko HAHAHA.

Gosh. May mga ganun pala talagang tao. Mga walang basic human decency. Lahat sila kanina, kasama yung walang dalang regalo, sayang saya sa pag open ng gifts, tapos ako pangiti ngiti lang pero deep inside naiiyak na ako, kasi ako na nagprepare at nageffort sa gifts, tapos ako wala!

Sabi sakin sa lunes na daw ibibigay yung gift. Meeeeeh! The fun is over! Pinapagcash ko na lang para man lang marefund yung nagastos ko.

Grabe ang malas ko today.