MCA Gusto kung replayan pero pinipigilan ko sarili ko kasi mali

Trigger Warning: Cheating

So long story short I came from a long-term relationship, almost 10 years rin. Matagal din, panahong totoy at nene pa mag kasama na. Yung panahong siomai rice palang kaya ng bulsa pang date. College sweethearts kami pero not from the same school. Nag kakilala lang thru mutuals.

Sa tagal namin, kilala na kami both sides, magulang namin, mga kamag-anak, lab na lab siya ng mga cousins ko, pati circle of friends, isama narin natin mga kapitbahay at ka workmate. Marami rami narin kaming memories at pinagdaanan, kabilang na diyan ang mga travel goals, birthdays, binyag, dates at road trips saan saan etc etc. So gulantang talaga ang mga people sa nangyari, nag hiwalay kami.

Why we broke up? Ganito yan, I cheated on her pero pinatawad niya ako and we tried fixing us kasi nga matagal na kami, daming memories. Kaya sinubukan ko rin naman baguhin sarili ko.

On the last months of our relationship, mas naging sweet ako, pinag luluto ko siya ng agahan, ginigising ko siya ng maaga, small gestures ika nga kasi mahal natin ehh syempre. Hinahatid ko siya at sinasalubong ko rin pag uwi, (Work From Home po ang Angkol). Kaso nga lang napapagod rin ang tao, hindi naman ako nag cheat na pero palagi naman kaming away bati.

Until dumating yung time na naka hanap siya ng comfort sa iba while we where still in the relationship, siya naman yung nag cheat, I was really devastated, ganun pala ang feeling, yung mag kasama kayo pero may ka chat siyang iba patago, nahuli ko at kinonfront ko siya. I beg, I cried a lot, and I tried everything I could pero wala, she was already convinced.

She left the house we called home, our home (Pero nag rerenta lang po talaga kami, in short live in). She left when I was ready to give my whole to her, when I was prepared to change myself for the better because she is the woman na pakakasalan ko.

Fast forward, I tried moving on, inisip ko lahat ng pagkakamali ko na di ko na dapat gawin, ika nga greatest lesson, inaccept ko na na masaya na siya sa iba, masakit man dahil minumulto ako ng mga ala-ala namin pero tinanggap ko kasi ako yung may sala, nangayari ang lahat kasi di ko inalagaan ng mabuti.

Kaso nga lang habang inaayos ko sarili ko, bigla nag paramdam si Ante, keneleg naman si Angkol kaya nag kita kami. Umasa ako na meron pang tiyansa pero yun pala namiss niya lang daw ako at masaya na daw siya sa pinalit niya kaya iyak ulit si Angkol.

Kaya ayun, back to zero ulit pag mo-move on ko. Pero this time inisip ko ulit yung mga mali ko. Na di na dapat kaming mag kita ulit dahil parang bumabalik lang kami sa dati, walang nag bago.

So ayun, tuloy ang pag move on, tapos ito na naman, nag paramdam na naman ulit si Ante. Syempre, inisip ko ano na naman pakay nito yung utang ko or ano. Nangagamusta lang daw, ito buhay pa naman.

Inisip ko nalang na hindi to tama, may masasaktan, yung pinalit niya, kaya kahit miss ko sobra as in sobra like super duper, gustong kung agawin, joke bad yun, pinipigilan ko sarili ko. Kasi ayuko ko nang bumalik sa dating sitwasyon, ayaw ko ng gulo, gusto ko rin ng maayos.

If mag uusap man kami ulit or mag kikita, gusto ko yung walang taong masasaktan, walang sabit. Okay na ako na ako yung masaktan, dasurb ko naman.

Naalala ko sabi niya, gusto niya ng maayos na relasyon, gusto niya ng mature so ako na yung lalayo kasi iniwan niya ako para dun at kung mahahanap niya yun sa iba sino ba naman ako para ipagkait siya. Charooot.

Kaya ko namang yun ibigay ulit kasi gusto ko rin mag bago pero huli na at alam ko naman, malamang sa malamang na mi-miss niya lang ako dahil sa tagal namin pero di na niya talaga ako mahal.

Pero jusko nawiwindang ako sa miscalls at messages niya. Replyan ko na ba ng imissyoutoo?

Pasyensya na sa confession, ito na po, nag babago na po. Totoong pag mamahal at wagas incoming.